SWK nanguna sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa
print

Pinangunahanng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa pakiki-isa sa Samahan ng mgaTagapagtaguyod ng Wikang Filipino (SATAWFIL) ang pagdiriwang ng Buwan ng WikangPambansa na may pambansang temang: “Filipino: Wikang Mapagbago” mula noongika-22 ng Agosto hanggang 25, ng taong 2017.

Taon-taon idinaraos ang nasabing pagdiriwang na may layuning sariwain ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa na nagbubuklod sa bawat mamamayang Filipino. Ito rin ay may layuning mapaunlad, mapayaman at mapanatili ang wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas, at upang bigyan ng pansin ang umuusbong na pagbabago sa ating wika, lalo na sa pagdaragdag ng mga bago at umaakma sa kasalukuyang panahon na mga salita, isang halimbawa na rito ang wikang Filipino para sa mga pipi at bingi.

Kasabay ng pagdiriwang, naghanda ng serye ng mga timpalak at aktibidad tulad ng: Tertulyang Pangwika 2017,Simposyum at Paligsahan sa Wika, Paligsahan sa Talumpati, Paligsahan sa Pagsubok, Lakan at Mutya ng Wika 2017, Parada at Pista sa Nayon.

Itinampok sa Tertulyang Pangwika ang isa sa mga hurado at tagapagsalita para sa programa na si Dr. Vasil Victoria, ng De la Salle University na tumalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng pagpapanalagap ng wikang Filipino at ang mga signipikong pagbabago ng wika sa nakarang dekada. Ang pampinid na palatuntunan ay dinaluhan nina Komisyoner Abdon M. Balde, Jr., Komisyoner ng Bikol, Dr.Lourdes S. Bascuña,Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura; Dr. Georgina J. Bordado, Pangulo ngUnibersidad; Dr. Ma. Rowena M. Bayrante, Dekana ng Kolehiyo ng Sining at Agham;at Engr. Rolando G. De Asis, Pangalawang Pangulo Pang-Akademiko.