CBSUA CHORALE NAGHANDOG NG KONSIYERTO-PASASALAMAT

Bilang pagbibigay pasalamat sa tagumpay na nakamit ng CBSUA Chorale sa 2025 World Choir Festival, Hong Kong, sila ay nagtanghal ng isang libreng konsiyerto ngayong ika-28 ng Hulyo, 2025.

Matatandaang ang CBSUA Chorale ay nanalo ng Gold Award bilang kampeon ng D2-Vocal Ensemble II Category sa nabanggit na paligsahan na sinalihan ng mga grupo mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Binuksan ang programa sa isang pambungad na mensahe mula sa direktor ng Sentro ng Wika, Kultura at Sining na di Dr. Leopoldo R. Transona, Jr. Isa sa binigyan niyang diin ay kung bakit sumasali ang grupo sa mga paligsahan. Aniya’y ito ay para sa “preservation of talents” at kung may kapasidad na lumaban sa kompetisyon, ay ilaban.

Nagtanghal ng siyam na awitin ang CBSUA Chorale. Kabilang dito ang mga piyesang kanilang ginamit sa kompetisyon sa Hong Kong. Mayroong classical, contemporary, folk, at pop na mga piyesa ang kanilang itinanghal.

Binigyang puri ng pangulo ng pamantasan na si Dr. Alberto N. Naperi ang CBSUA Chorale. Kanyang pinasalamatan ang administrasyon, direktor ng SWKS, Chorale Conductor na si Mr. Cris Caryl Yu at mga magulang sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga estudyante. Ipinahayag din ng pangulo na hangga’t kaya ay ibibigay niya ang kinakailnagan ng grupo lalo na sa mga susunod na tunguhin nito. Sabi niya, “I cannot give you the heavens, but I can give you the earth”.

Sa ngayon ay pinaplano na ng grupo ang sunod na pandaigdigang paligsahan ang kanilang dadaluhan.

Share on facebook
Share on twitter

Related News