Bilang pagkilala sa mga natatanging kontribusyon at kahusayan ng Sentro ng Wika Kultura at Sining (SWKS) ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), sila ay ginawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura noong ika-19 ng Agosto, 2025 sa Lungsod Quezon.

Ang nasabing pagkilala ay iginagawad sa mga sentro na naitatag sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na nagpakita ng hindi matatawarang pagpupursigi na itaguyod ang mga layunin nito. Ito rin ay pagbibigay puri sa kanilang patuloy na suporta sa mga proyektong inilalatag ng KWF.

Ang SWKS ay pinangungunahan ng Puno ng Tanggapan na si Dr. Leopoldo R. Transona, Jr., kasama ang mga tagapag-ugnay ng bawat kampus: para sa kampus ng Calabanga na pinamumunuan ni Dr. Christian C. Vega, Bb. Mercy Almonte ng Sipocot at G. Jay-Ar Nodalo ng kampus ng Pasacao.

Buong pagpupugay din sa buong administrasyon ng CBSUA sa pamumuno ng Pangulong Dr. Alberto N. Naperi maging ang walang humpay na supporta ng bawat Punong Administrador mula sa iba’t ibang kampus: Prof. Allan B. Del Rosario, Ph.D. ng Pili, Dr. Ernesto D. Doloso, Jr., ng Calabanga, Asso. Prof. Rowel Castuera ng Sipocot at Asso. Prof. Kristine May C. Regaspi.

Kasama rin ang buong pasasalamat sa klaster ng Pangalawang Pangulong Pang-Akademya sa pamumuno ni Prof. Emerson L. Bergonio, Ph.D.

Sa mensahe ng pangulo ng pamantasan, ipinahayag niya ang kanyang patuloy na pagtangkilik sa mga layunin at gawain ng SWKS at KWF: “…bilang Pangulo ng Central Bicol State University of Agriculture kasama ang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, [kami] ay patuloy na tatalima sa kasunduan bilang katuwang ng Komisyon sa Wikang Filipino sa lahat ng proyekto nito.” | 𝘔𝘨𝘢 𝘥𝘦𝘵𝘢𝘭𝘺𝘦 𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘋𝘳. 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵𝘪𝘢𝘯 𝘝𝘦𝘨𝘢

 

Share on facebook
Share on twitter

Related News