CBSUA–CDE NAGSAGAWA NG PARENT TUTORS’ COMPLETION RITES SA BRGY. CAROYROYAN, PILI

Matagumpay na isinagawa ng College of Development Education (CDE) ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang Parent Tutors’ Completion Rites sa Brgy. Caroyroyan Covered Court noong Abril 23, 2026, bilang pagtatapos ng “ABAKADA: Isang Short-Term Course sa Pagbasa,” na bahagi ng extension program na “TARA, MAGTURUWANGAN KITA: Inisyatibo ng College of Development Education at LGU–Pili sa Pagtugon sa Kalidad ng Edukasyon.”

Sa temang “Parent Tutors: Tugon sa Kakulangan ng mga Tagapagturo sa Pagbasa,” ang programa ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa CBSUA, LGU–Pili, Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Brgy. Council ng Caroyroyan, at Sangguniang Kabataan.

Tatlumput isang (31) parent tutors ang nagtapos sa nasabing kurso. Tatlo sa kanila ang nagkamit ng karangalan: Christine C. Clarianes (May Pinakamataas na Karangalan), Cyrin I. Bodino (May Mataas na Karangalan), at Regina Sales (May Karangalan), na pawang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Isinagawa rin sa okasyon ang panunumpa ng mga opisyal at miyembro ng Samahan ng Parent Tutors ng Brgy. Caroyroyan, na pinangunahan ni Hon. Jerry C. Canave, Punong Barangay, bilang pagtitibay sa kanilang tungkulin na makatulong sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagbasa ng mga bata sa komunidad.

Nakatakda namang isakatuparan ang pagbubukas ng Brgy. Reading Hub kung saan magsisilbing volunteer tutors ang mga nagtapos sa programa. Iminungkahi rin ang paglulunsad ng Brgy. Summer Reading Camp sa Filipino, na pamamahalaan ng Samahan ng Parent Tutors katuwang ang Committee on Education ng barangay at ng project leader ng ABAKADA. | 𝘜𝘭𝘢𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘙𝘢𝘲𝘶𝘦𝘭 𝘔. 𝘙𝘦𝘢𝘱𝘰𝘳, 𝘌𝘥𝘋, 𝘮𝘨𝘢 𝘓𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘡𝘺𝘳𝘢 𝘉. 𝘏𝘪𝘭𝘢, 𝘌𝘚𝘋 𝘚𝘵𝘢𝘧𝘧

 

Share on facebook
Share on twitter

Related News