Matagumpay na itinanghal ng Teatro Ladawan ang dulang “BALSA” noong ika-10 ng Disyembre sa Alvaro Rabina Hall, CBSUA–Pili, kung saan inihatid sa entablado ang isang makapangyarihang naratibo na sumasalamin sa mga hamon at pinagdaraanan ng kabataang Pilipino sa gitna ng mga isyung panlipunang patuloy na umaagos sa kasalukuyang panahon.
Ang nasabing dula ay nagsilbing salamin ng realidad ng kabataan sa kasalukuyan, isang maingat na paglalakbay sa mga isyung tulad ng depresyon at iba pang suliraning panlipunan na kinakailangang harapin ng lipunan. Mula umaga hanggang hapon, umalon ang walang humpay na palakpakan at papuri mula sa mga mag-aaral, guro, at magulang bilang pagkilala sa husay at dedikasyon ng mga aktor. Sa pamamagitan ng sining, nagtagumpay ang “BALSA” na maghatid ng mahalagang kakintalan at magpamulat sa realidad na kinakaharap ng lipunan. | 𝘜𝘭𝘢𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘚𝘞𝘒𝘚, 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘊𝘉𝘚𝘜𝘈 𝘍𝘈𝘔𝘈𝘚











