MGA KANDIDATO SA PAGKA- PANGULO NG CBSUA, HUMARAP SA PUBLIC FORUM

Inilahad ng mga kandidato para sa susunod na Pangulo ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang kanilang mga iminungkahing bisyon, misyon, at mga layunin para sa unibersidad sa isinagawang Presentation of Candidates and Public Forum sa University Student Atrium, noong Agosto 20, 2026.

Sinundan ang presentasyon ng isang tanungan at sagutan, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor na iharap ang kanilang mga katanungan sa mga kandidato.

Pinangunahan ng Search Committee for President (SCP) ang programa bilang bahagi ng proseso sa pagpili ng susunod na mamumuno sa unibersidad. Bago ang presentasyon, ipinaliwanag ni Mr. Rey Eco Sanchez, University and Board Secretary at Secretariat ng SCP, ang mga gabay at proseso ng SCP at ang pagpapakilala sa mga kandidato.

Nagbigay naman ng pambungad na mensahe via Zoom si Dr. Dexter R. Buted, Administrator ng Philippine Coconut Authority at Chairperson ng SCP, bago ang paglalatag ng mga kandidato ng kanilang mga iminungkahing direksyon para sa CBSUA.

Nagtapos ang programa sa pangwakas na mensahe ni Dr. Alberto N. Naperi, SUC President IV.

 

Share on facebook
Share on twitter

Related News