CBSUA, IBINAHAGI ANG MGA RESEARCH CENTER SA LEARNING VISIT NG BASC

Ibinahagi ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang mga programa, pananaliksik, at produktong binuo sa mga research center nito sa isinagawang Learning Visit ng Bulacan Agricultural State College (BASC) noong Agosto 13, 2026.

Pinangunahan ng Institutional Linkages and Special Projects Office (ILSPO) sa ilalim ng Tanggapan ng Vice President for Business and External Affairs (VPBEA) ang programa, na nagbigay-daan sa mga delegado ng BASC na higit na makilala ang mga inisyatiba at karanasan ng CBSUA sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng mga research center.

Ibinahagi nina Johanna Cordial, Direktor ng Regional Apiculture Center; Dr. Arce Bellere, Direktor ng Mushroom Processing and Research Center; at Frenemel Torres, Direktor ng Organic Agriculture Center, ang mga programa, pananaliksik, produkto, at iba pang gawain ng kani-kanilang mga sentro.

Sinundan ito ng talakayan at pagsagot sa mga katanungan ng mga delegado ng BASC, sa pangunguna ni Dr. Honeylet J. Nicolas, Vice President for Research, Extension, and Development (VP-REPD), na nakatuon sa mga proseso at pamamaraan sa maayos na pagpapatakbo ng mga research center.

Bilang bahagi ng learning visit, aktuwal ding nagtungo ang mga delegado ng BASC, kasama ang mga center director at mananaliksik ng CBSUA, sa Regional Apiculture Center, Mushroom Processing and Research Center, at Organic Agriculture Center upang makita ang mga pasilidad at aktuwal na gawain ng mga ito.

Dumalo rin sa programa sina Dr. Melinda P. Pan, Pangalawang Pangulong Pang-Akademya, bilang kinatawan ng Pangulo ng unibersidad; Dr. Cherry Love B. Montalles, Pangalawang Pangulo sa Negosyo and Eksternal na pakikipag-ugnayan, Dr. Allan B. Del Del Rosario, Tagapangasiwa ng Kampus; Marlene A. Ramos, Direktor ng Research and Publication; at Dr. Raquel M. Reapor, Acting Director ng ILSPO. 𝘜𝘭𝘢𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘋𝘳. 𝘙𝘢𝘲𝘶𝘦𝘭 𝘔. 𝘙𝘦𝘢𝘱𝘰𝘳

 

Share on facebook
Share on twitter

Related News