CBSUA, PORMAL NANG SINIMULAN ANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2026

Kasabay ng pagsisimula ng taong akademiko 2026-2027, pormal nang sinimulan ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong araw, Agosto 17, 2026.

Naging bahagi ng panimulang programa ang pag-aalay ng bulaklak sa larawan ni Manuel L. Quezon, na kinikilala bilang Ama ng Wikang Pambansa. Pinangunahan ito nina Dr. Alberto N. Naperi, Pangulo ng Unibersidad; Dr. Melinda Parro-Pan, Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Pang-akademiko; Atty. Dominador F. Faurillo, Pangalawang Pangulo para sa Administrasyon at Pananalapi; Dr. Dariel Palmiano, Pangalawang Pangulo para sa Pananaliksik at Inobasyon; Dr. Cherry Love Montalles, Pangalawang Pangulo para sa Negosyo at Gawaing Panlabas; at Dr. Leopoldo Transona Jr., Direktor ng Sentro ng Wika, Kultura, at Sining (SWKS).

Sinundan ito ng maikling programa matapos ang flag ceremony, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at ang mga kaugnay na alituntunin sa paggamit nito sa iba’t ibang anyo ng komunikasyon sa loob ng unibersidad. Naging bahagi rin ng programa ang mga pagtatanghal mula sa CBSUA Chorale, Indayog, at University Band.

Nagkamit naman ng pagkilala bilang Best in Attire sina Dr. Montalles at Dr. Albert N. Cabrera ng College of Veterinary Medicine, dahil sa kanilang kasuotang FilipiΓ±iana bilang pakikiisa sa pagdiriwang.

Samantala, inaasahang isasagawa sa mga susunod na araw ang iba’t ibang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

 

Share on facebook
Share on twitter

Related News

𝐂𝐁𝐒𝐔𝐀 𝐍𝐓𝐄𝐀 πŒπ€π‘πŠπ’ πŸ’πŸŽ π˜π„π€π‘π’ πŽπ… π”ππˆπ“π˜, π’π„π‘π•πˆπ‚π„, 𝐀𝐍𝐃 ππ‘πŽπ†π‘π„π’π’

The Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Non-Teaching Employees Association, Inc. (NTEA) celebrated its