Opisyal nang inilunsad ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang mga bagong digital na sistema ng unibersidad na naglalayong mapahusay ang pamamahala at paghahatid ng mga serbisyong akademiko at pangmag-aaral, sa isinagawang programa kahapon, Agosto 10, 2026, sa bulwagan ng Alvaro Rabina, CBSUA Pili Campus.
Kabilang sa mga inilunsad ang sistema para sa pagtatala at pamamahala ng iskedyul sa pagtuturo ng mga guro at ang online na sistema ng Office of Student Affairs and Services (OSAS).
Dinaluhan ang nasabing programa ng mga pangalawang pangulo, mga administrador ng bawat kampus, mga dekana at dekano, mga tagapangasiwa ng programang akdemiko, at mga director ng ibaβt ibang ugnayan.
Bahagi ng programa ang pagpapaliwanag sa mga bagong sistema at proseso na layong mabawasan ang mga manu-manong gawain at gawing mas organisado ang paghahatid ng mga serbisyo sa loob ng unibersidad. Pinangunahan ito ni Herminigildo Jason Asor, tagapagturo mula sa Calabanga kampus at developer ng mga bagong sistema.
Sa kaniyang menhase, binigyang diin ni University President IV Dr. Alberto N. Naperi ang kahalagahan ng bagong sistema na ito upang gawing mas episyente at organisado ang mga proseso at serbisyong ipinagkakaloob sa mga guro at mag-aaral.
Nagbigay din ng kanilang mga mensahe sina Dr. Melinda Parro-Pan, Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Akademiko, Pangalawang Pangulo sa Administrasyon at Pananalapi Atty. Dominador F. Faurillo, Dr. Dariel A. Palmiano, Pangalawang Pangulo para sa Saliksik at Inobasyon, at Dr. Jessel Anne P. Rodriguez, Direktor ng Ugnayan at Serbisyong Pang Mag-aaral.
Sa pamamagitan ng nasabing sistema, inaasahang mas mapapadali ang mga proseso at access sa mga gawaing akademiko at pang mag-aaral sa unibersidad.








