Nagsagawa ang Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), sa pangunguna ng Quality Assurance Office ang Process Owners’ Orientation ngayong araw, Agosto 24, 2026, sa Ciraco N. Divinagracia Hall, upang talakayin ang mahahalagang proseso at pamantayan sa pagpapatupad ng Quality Management System (QMS) ng unibersidad.
Dinaluhan ng mga kinauukulang opisyal at kawani ang oryentasyon na tumalakay sa mga Status of Request for Actions (RFAs) at mga pamantayan sa ilalim ng ISO 9001:2015, kabilang ang konteksto ng organisasyon, pagpaplano, suporta, operasyon, performance evaluation, at improvement.
Nanguna sa talakayan ang sa mga resource persons na sina Ms. Christine Allen Riza N. Bongcodin, Ms. Diana Jane B. Almonte, at Dr. Philip N. Talay, na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman tungkol sa mga nasambit na panuntunan. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga dumalo na magbigay ng mga katanungan at paglilinaw kaugnay ng mga paksang tinalakay.







